Pero madalas natin nakakalimutan ito: sa bawat samahang nabubuo, darating din ang panahon ng paghihiwalay at pagkakabaha-bahagi — isang uri ng "social stratification."
Mula pa noon, wala pang bansa sa mundong ito na may perpektong gobyerno at pamamahala. Basta merong 2 o 3 na nagsama-sama, may susulpot na isa pang grupo na 4 o 5 — minsan iisa ang layunin, pero iba ang sistema at pamamaraan.
Pero madalas, hindi natin ito naiintindihan at naipapatupad ng maayos. Kaya nagkakaroon ng palpak at magulong pagpapatupad.






